27.9.10

Doctor Quack^2


Isang gasgas na laro pero pero akala mo lang yon! Kahit na parang pangkaraniwan na lang ang larong Doctor Quack^2 hindi ibig sabihin ay hindi na nakakaaliw laruin. Napatunayan namin yan nang laruin namin lalo na ngayong college level ang mga manlalaro, mas challenging para kay Doctor Quack^2. Sa larong ito may magsisilbing manggagamot (Dr. Quack^2) at pasyente. Ang pasyente ay binubuo ng mga manlalaro na magkakahawak ng kamay. Layunin ng pasyente na guluhin ang pagkakaayos nila at ang layunin naman ng taya o ni Dr. Quack^2 na iayos ang pasyente nang walang natatanggal sa magkakahawak na kamay. Pagkatapos maiayos ng taya ang pasyente tatagain niya gamit ang kamay ang isang bahagi ng pasyente at iyon ang hudyat na tumakbo ka na dahil hahabulin ka ni Dr. Quack^2. Sa College Edition namin ng larong ito, hindi na kailangan tagain ang isang bahagi ng pasyente. Once na maisaayos na ni Dr. Quack^2 ang pasyente kailangan na tumakbo. Kung sino mahuli ni Dr. Quack^2 sila na ang papalit sa kanya. Ang daming sweet sa pasyente hehe. May papetiks-petiks lang din kagaya ni Ria. Meron din kina-career ang pagkabali-bale ng buto ng pasyente – yung mga freshie. Hehe. The best part ay pag malapit na maayos ni Dr. Quack^2 ang pasyente. Mga naglalayuan na kay Doc. Hehe. And also take note, bongga pa introduction ni Ma’am sa larong ito. Hands down! Hehe.

Kaya ang parangal na ibibigay ko sa larong ito ay Medical Excellence Award. Astig ang mga doktor hehe. Napili ko naman bilang natatanging doktor (manlalaro) ay si Beatrix dahil kapag siguro siya doktor sigurado iikli ang buhay mo sa haba ng analysis kung paano aayusin ang pasyente. Haha. 

Image courtesy of OCweekly Blogs

Bahay Bahayan Baboy Bagyo


Syempre hindi rin pahuhuli yung laro namin ng aking mga kagrupo. Enjoy ba? Kung hindi ewan ko na lang. Bahay Bahayan Baboy Bagyo ang tawag sa laro na naisip namin. May bahay, may bahayan, at may baboy sa gitna ng bahay at bahayan. Pag bumagyo nagkakagulo ang bahay, bahayan, at baboy. Di nila malaman kung saan pupunta. Para laruin ang larong ito kailangan magpangkatan na tig-tatlo kada pangkat. Bahala na ang tatlo sa pangkat kung sino ang magiging bahay, bahayan, at baboy. Maghahawak ng kamay ang bahay at bahayan na parang isang maliit na bilog kung saan papaloob ang baboy. May isang magiging taya na mag-cha-chant ng ganito:
               
                “Bahay bahayan baboy bagyo, bahay bahayan baboy bagyo, _______”

Bahala ang taya kung alin sa apat na salita ang ilalagay niya sa patlang. Kapag bahay ang napili niya, lilipat ang bawat bahay sa bawat pangkat. Kung bahayan naman ay lilipat ang mga bahayan sa ibang pangkat; kung baboy naman ay ang mga baboy naman ang lilipat ng pangkat. Ngunit kung bagyo ang napili, kinakailangang lumikas lahat at humanap ng panibagong pangkat. Napag-isipan pa namin na yung ika-sampung taya ay magpapakita ng kanyang talento – hint: freshie yata ito, lalake, pagtula ng mahabang-mahaba ang talent. Hehe.  Syempre mas masaya yung may varyasyon na. Nagkaalaman na kung sino ang tunay na magkakaibigan. Kinailangang pumili, kaibigan o kalaro.

Dahil dito paparangalan ko ang laro namin ng What a Friend?! Game Award. Tangkilikin ang sariling amin hehe. Ang natatanging manlalaro award ay napunta naman kay Azel dahil sa tapang na ipinakita upang magbuwis ng pagkakaibigan para lamang sa kalaro. Haha.

Image courtesy of REUTERS Blog India Edition

Ikotang Dala-dalawa


Pabilisan, paliksihan, paagapan at palakasan ang larong Ikotang Dala-dalawa. Ito ay isang laro ng magkapares kaya nga dala-dalawa. Para laruin, kinakailangan magpares-pares ang mga manlalaro. Kapag may kapares na ang lahat, bubuo ng isang bilog ang mga magkakapares maliban sa pares na mapipiling taya. Uupo ang mga magkakapares na nakabilog. Mag-iikot naman ang pares na taya at kung sino man ang kanilang tapikin sa mga nakabilog, ang natapik at ang kapares niya ay tatakbong kasalungat ng taya at makikipag-unahan na makabalik sa kinauupuan nila. Kung sino ang mahuli sila ang magiging taya. Astig itong laruin, nakakapagod lalo na kung ikaw yung tinapik ng taya. Mula sa pagkakaupo kailangan liksihan tumayo para makahabol. Ang masaya pa sa larong ito ay yung suspense – baka kasi mamaya tinapik na pala yung kapares mo. Hehe. Pero mas astig yung varyasyon kasi pwede na pigilan ang kaagaw sa upuan sa kahit anomang paraan na hindi makakasakit. Kaya ayun nung nilalaro namin di ko naiwasan mangbitbit hehe. Kasi naman nataya na kami ng isang beses akala ko tuloy ay pahinga na kami tapos bigla ulit kami tinaya. Haha kaya nahuli ako ng tayo at takbo. Kaya para manalo binuhat ko si pareng Louie. Wala eh, ayaw magpataya.

Dahil nag-enjoy ako at napagod sa larong ito, ang parangal na ibibigay ko ay Pinaka-BiLikAgaSang Laro Award at ang natatanging manlalaro ay si Louie dahil kahit na binitbit ko siya ay hindi pa rin nagalit hehe. 


Image courtesy of BBC news UK from the series Doctor Who



May I Touch Your Hand?


Uunahin ko na yung parangal ng larong ito – Nobela Cheeze Prize Award. Nagkataon kasi na halos magkamukha ng baybay ang Nobel (sa Nobel Peace Prize) at nobela, at ang larong May I Touch Your Hand ay parang isang nobela ng pagmamahalan ng dalawang tao na pilit pinaglalayo ng tadhana. Me ganon? Haha. Paano ito nilalaro? Ganito yun, may dalawang magkasintahan – si Romeo at si Diego – at mayroon isang malaking bilog (mga manlalaro) na nakapalibot kay Diego samantalang si Romeo ay nasa labas ng bilog. Ang layunin ng magkasintahan ay makapag-hawak ng kamay samantalang ang layunin naman ng mga manlalaro sa bilog (mga kontrabida) ay pigilan ang pagtatagpo ng dalawa. Pero sa unang paglalaro namin ay walang nagawa ang mga kontrabida upang mapigilan ang dalawa. Kaya nakaisip ng ibang paraan upang mapaglayo ang dalawa. Sa unang varyasyon, naging dalawa na ang bilog na pipigil sa pagmamahalng Romeo at Diego – isang karagdagang bilog sa loob ng malaking bilog - ngunit nagtagumpay pa rin ang dalawa. Kaya sa mga sumunod na varyasyon ay pareho nang napapalibutan ng mgakabukod na bilog ang bawat pinaghiwalay na magkasintahan. Sabi nga ni Ma’am mas maganda kung may mga dialogue tungkol sa dalawang pilit pinaglalayo. Asarang bida-kontrabida.

Natatanging manlalaro kong napili ay si Russ (hindi Rust) dahil sa mga banat nya nung siya si Romeo at si Karl ang Diego. Hehe. Mahirap maging kontrabida pag malakas ang bida - yun lang madaming kontrabida.

Image courtesy of romanceeternal.org from the movie Romeo and Juliet

Bato Balani

Magaling yung nakaisip ng larong ito. Simple lang yung konsepto pero masarap laruin. Kailangan ng lakas at diskarte, pero minsan timing lang din. Paano nga ba ito nilalaro? Una, humanap kami ng bagay na pwedeng magsilbing bato balani. Iniisip naming kung bag na patung-patong ang gagamitin namin pero nauwi sa upuan na nandun sa gilid ng laruan namin. Pagkatapos makahanap ng bato balani, bumuo kami ng dalawang pangkat. Mahalaga na magkasing dami ang bilang ng bawat pangkat. Bumuo kami ng isang malaking bilog na salit-salit ang magkatabi – ibig sabihin, kung ikaw ay kabilang sa pangkat 1, ang katabi mo sa kanan at kaliwa ay kabilang sa pangkat 2. Sa gitna ng bilog ilalagay ang bato balani. Ang layunin ng bawat manlalaro ay maidikit ang anomang bahagi ng katawan ng katabi nya (kalabang pangkat) sa bato balani para makakuha ng puntos. Hindi basta-basta manghila kasi pwede ka din matulak papunta sa bato balani. Una naming napagtripan ni Karl si Aris pero di namin nadali dahil nagtutulungan din silang magkakalapit na magkakagrupo. Kaya si Tin-Tin na lang ang pinagtripan namin pero sa kasamaang-palad ay wala pa rin kaming nagawa. Yung varyasyon ng laro ay mas mahirap kasi ang bato balani na ay binubuo ng walong tao – tig-apat mula sa dalawang pangkat. Upang makakuha ng puntos, kinakailangang maidikit ng manlalaro ang katabi nya sa bato balani na kapangkat nung katabi nya – maari din ito gawin ng mga bato balani. Mahalagang kilala mo ang bawat kakampi mo para maiwasan magkadikit. Dalawang beses ko naidikit si Azel kay Aris. Inasar pa tuloy ni Randy yung dalawa. Haha.

Dahil dito, paparangalan ko ang larong Bato Balani bilang Most Repulsive Yet Attractive Game. Napili kong natatanging manlalaro si Randy sa lalake, at si Tin-Tin sa babae. Pero sa kung iisipin magaling lahat kasi kahit na kalaban ang dalawa mong katabi ay nagkakatulong pa rin kayo ng mga kasama mo na malapit. Mayroong humaharang para di matuluyang mahila yung kakampi nila. Kaya sa kabuuan teamwork pa rin. Hehe.


Image courtesy of Windows to the Universe original artwork by Randy Russell using an image from NASA's TRACE