Syempre hindi rin pahuhuli yung laro namin ng aking mga kagrupo. Enjoy ba? Kung hindi ewan ko na lang. Bahay Bahayan Baboy Bagyo ang tawag sa laro na naisip namin. May bahay, may bahayan, at may baboy sa gitna ng bahay at bahayan. Pag bumagyo nagkakagulo ang bahay, bahayan, at baboy. Di nila malaman kung saan pupunta. Para laruin ang larong ito kailangan magpangkatan na tig-tatlo kada pangkat. Bahala na ang tatlo sa pangkat kung sino ang magiging bahay, bahayan, at baboy. Maghahawak ng kamay ang bahay at bahayan na parang isang maliit na bilog kung saan papaloob ang baboy. May isang magiging taya na mag-cha-chant ng ganito:
“Bahay bahayan baboy bagyo, bahay bahayan baboy bagyo, _______”
Bahala ang taya kung alin sa apat na salita ang ilalagay niya sa patlang. Kapag bahay ang napili niya, lilipat ang bawat bahay sa bawat pangkat. Kung bahayan naman ay lilipat ang mga bahayan sa ibang pangkat; kung baboy naman ay ang mga baboy naman ang lilipat ng pangkat. Ngunit kung bagyo ang napili, kinakailangang lumikas lahat at humanap ng panibagong pangkat. Napag-isipan pa namin na yung ika-sampung taya ay magpapakita ng kanyang talento – hint: freshie yata ito, lalake, pagtula ng mahabang-mahaba ang talent. Hehe. Syempre mas masaya yung may varyasyon na. Nagkaalaman na kung sino ang tunay na magkakaibigan. Kinailangang pumili, kaibigan o kalaro.
Dahil dito paparangalan ko ang laro namin ng What a Friend?! Game Award. Tangkilikin ang sariling amin hehe. Ang natatanging manlalaro award ay napunta naman kay Azel dahil sa tapang na ipinakita upang magbuwis ng pagkakaibigan para lamang sa kalaro. Haha.
![]() |
| Image courtesy of REUTERS Blog India Edition |

No comments:
Post a Comment