27.9.10

Ikotang Dala-dalawa


Pabilisan, paliksihan, paagapan at palakasan ang larong Ikotang Dala-dalawa. Ito ay isang laro ng magkapares kaya nga dala-dalawa. Para laruin, kinakailangan magpares-pares ang mga manlalaro. Kapag may kapares na ang lahat, bubuo ng isang bilog ang mga magkakapares maliban sa pares na mapipiling taya. Uupo ang mga magkakapares na nakabilog. Mag-iikot naman ang pares na taya at kung sino man ang kanilang tapikin sa mga nakabilog, ang natapik at ang kapares niya ay tatakbong kasalungat ng taya at makikipag-unahan na makabalik sa kinauupuan nila. Kung sino ang mahuli sila ang magiging taya. Astig itong laruin, nakakapagod lalo na kung ikaw yung tinapik ng taya. Mula sa pagkakaupo kailangan liksihan tumayo para makahabol. Ang masaya pa sa larong ito ay yung suspense – baka kasi mamaya tinapik na pala yung kapares mo. Hehe. Pero mas astig yung varyasyon kasi pwede na pigilan ang kaagaw sa upuan sa kahit anomang paraan na hindi makakasakit. Kaya ayun nung nilalaro namin di ko naiwasan mangbitbit hehe. Kasi naman nataya na kami ng isang beses akala ko tuloy ay pahinga na kami tapos bigla ulit kami tinaya. Haha kaya nahuli ako ng tayo at takbo. Kaya para manalo binuhat ko si pareng Louie. Wala eh, ayaw magpataya.

Dahil nag-enjoy ako at napagod sa larong ito, ang parangal na ibibigay ko ay Pinaka-BiLikAgaSang Laro Award at ang natatanging manlalaro ay si Louie dahil kahit na binitbit ko siya ay hindi pa rin nagalit hehe. 


Image courtesy of BBC news UK from the series Doctor Who



No comments:

Post a Comment