Magaling yung nakaisip ng larong ito. Simple lang yung konsepto pero masarap laruin. Kailangan ng lakas at diskarte, pero minsan timing lang din. Paano nga ba ito nilalaro? Una, humanap kami ng bagay na pwedeng magsilbing bato balani. Iniisip naming kung bag na patung-patong ang gagamitin namin pero nauwi sa upuan na nandun sa gilid ng laruan namin. Pagkatapos makahanap ng bato balani, bumuo kami ng dalawang pangkat. Mahalaga na magkasing dami ang bilang ng bawat pangkat. Bumuo kami ng isang malaking bilog na salit-salit ang magkatabi – ibig sabihin, kung ikaw ay kabilang sa pangkat 1, ang katabi mo sa kanan at kaliwa ay kabilang sa pangkat 2. Sa gitna ng bilog ilalagay ang bato balani. Ang layunin ng bawat manlalaro ay maidikit ang anomang bahagi ng katawan ng katabi nya (kalabang pangkat) sa bato balani para makakuha ng puntos. Hindi basta-basta manghila kasi pwede ka din matulak papunta sa bato balani. Una naming napagtripan ni Karl si Aris pero di namin nadali dahil nagtutulungan din silang magkakalapit na magkakagrupo. Kaya si Tin-Tin na lang ang pinagtripan namin pero sa kasamaang-palad ay wala pa rin kaming nagawa. Yung varyasyon ng laro ay mas mahirap kasi ang bato balani na ay binubuo ng walong tao – tig-apat mula sa dalawang pangkat. Upang makakuha ng puntos, kinakailangang maidikit ng manlalaro ang katabi nya sa bato balani na kapangkat nung katabi nya – maari din ito gawin ng mga bato balani. Mahalagang kilala mo ang bawat kakampi mo para maiwasan magkadikit. Dalawang beses ko naidikit si Azel kay Aris. Inasar pa tuloy ni Randy yung dalawa. Haha.
Dahil dito, paparangalan ko ang larong Bato Balani bilang Most Repulsive Yet Attractive Game. Napili kong natatanging manlalaro si Randy sa lalake, at si Tin-Tin sa babae. Pero sa kung iisipin magaling lahat kasi kahit na kalaban ang dalawa mong katabi ay nagkakatulong pa rin kayo ng mga kasama mo na malapit. Mayroong humaharang para di matuluyang mahila yung kakampi nila. Kaya sa kabuuan teamwork pa rin. Hehe.
 |
| Image courtesy of Windows to the Universe original artwork by Randy Russell using an image from NASA's TRACE |
No comments:
Post a Comment